e-Receipt
Para sa aming pinakamamahal na Customers:
Upang kayo po ay lalo namin na mapaglingkuran ng maayos at bilang parte ng aming pag-implement ng computerized accounting system, simula 14 August 2023, hindi na magbibigay ng papel na resibo ang aming mga kolektor. Sa halip, kami ay mag-papadala ng electronic confirmation ng inyong bayad sa inyong mobile number at email address.
Maaari niyo rin po makita o ma-verify sa aming website ang inyong mga confirmed payments: https://www.fundline.com.ph/login
Ito po ay aming ginawa upang:
- Maiwasan ang pagkawala ng mga resibo;
- Madali ninyong makita ang e-receipt sa pamamagitan lamang ng pag-check sa text messages, email, o kaya ay pag-login sa aming website; at
- Kung kayo po ay nagbabayad thru online payment partners kagaya ng gcash, hindi niyo po kailangan na pumunta pa sa branch upang makakuha ng valid na resibo
Kung sakaling kailangan po ng papel na resibo, magtungo lamang po sa pinakamalapit na Fundline branch sa inyong lugar.
Para sa karagdagang katanungan o reklamo, maaari niyo po kaming iemail sa digitalbranch@fundline.com.ph o kaya ay mag-message sa aming Facebook page www.facebook.com/Fundliners.
Maaari din po kayo na mag-tungo sa aming branches na malapit sa inyong lugar. I-check po ang aming website para sa contact number at address ng branch. https://www.fundline.com.ph/contact.